Lunes, Disyembre 21, 2015

Anekdota

Nandito Lang Kami


      Habang naglalakad kaming magkakaibigan, sila ay nagkakatuwaan tungkol sa kani-kanilang crush.


“Alexa, Parang ang tahimik mo ata gnomon? May problema ba?” tanong ni Nicile kay Alexa na parang may malalim na iniisip.



“Ahhh…wala…wala. Uhmm mauna muna ako sa inyo may tatapusin pa kasi akong gawain sa bahay” pagkakaalis ni Alexa ay nagtaka kaming lahat.



Mga ilang Linggo ring walang presensiya ni Alexa ang lumilitaw  kaya laking taka ko kung  bakit nagkaganoon si Alexa, Alam na alam ko ang ugali ni Alexa ngunit bakit para siyang umiiwas samin .



Isang araw habang tumatakbo kami ni Paola patungo sa kanilang bahay ay nabunggo niya si…



“ALEXA! Alexa, namiss kita san ka ba nagpupunta at di ka na namin nakakasabay at nakikita sa labas.” Gulat at Masaya kami ni Paola na nakita na namin si Alexa.



“Sorry Aira at Paola, may kailangan pa akong tapusin na gawain.”  Pangangatwiran ni Alexa upang makaiwas samin ni Paola.



Gumilid kami upang makadaan si Alexa.



Ikwenento ni Paola ang tungkol sa nangyari sa iba pa naming kaibigan at ganoon din ang kanilang naging reaksiyon.



Nagpalamig muna kaming magkakaibigan ng Isang Linggo.



Nagaabang kami sa Gate ng subdivision kung saan namin pwedeng makita si Alexa at ilang saglit pa ay lumabas na ito habang nakatulala.



Hinila ni Chloe ang kamay nito at dinalal sa pwesto namin.



“ALEXA! Magusap nga tayo.” Bulyaw ni Xena kay Alexa



“Alexa ano bang problema? Kung meron. Pwede naman nating pagusapan.” Pakiusap ni Sheryll.



“Alexa wag mo naman kaming iwasan oh.” Pakiusap ni Paola.



“Ano bang problema? Matutulungan ka naman namin diba?”



“Galit kasi ako sa papa ko dahil lagi na lang siyang galit samin ni mama at pinagalitan niya ako dahil sa sobrang baba ng grade ko tsaka tigilan ko na raw ang pakikipagbarkada sa inyo”paliwanag niya samin.



“Pasensiya na ulit pati kayo nadamay sa galit ko sa Papa ko. At Pasensiya na ulit  di ko na ulit yun gagawin.”



“Alexa, pwede  naman nating pag-usapan yun, tsaka di mo naman kami kailangan iwasan, sa totoo lang pwede ka rin naman naming damayan sa problema mo.” 



Paliwanag ko kay Alexa na nanahimik.



“Pasensiya na talaga. Nadamay patuloy ang pagkakaibigan natin dahil sakin.” 



Pagpapasiyensiya ulit ni Alexa sa mga kaibigan.



“ Oo na Alexa. Pero wag munang gagawin ulit yun ha. Oh pano ba yan tara na.” pagaaya ni Chloe samin.



“TARA NA!” sigaw ni Xena tsaka akbay kay Alexa at Paola.



“So ganyan  kayo, mangiiwan din kayo.” Reklamo ni Sheryll sa amin.



“Di wag niyong pansinin yan mabaho yan eh.” Asar ko kay Sheryll



“Hahahahahhahaha” napuno ng aming ingay ang kalye.





Ang tunay na pagkakaibigan ay dapat rin nating pahalagahan at ingatan dahil sila rin ang nandiyan sa anumang problema na ating kinahaharap.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento